Dear Future Partner

Dear Future Partner

Hi! Kumusta ka na? Matagal pa ba bago tayo magkita? Miss ko na kasi ung time na me kasama ako...Almost two months na mula ng iwan ako ng taong minahal ko at kasama kong nangarap sa loob ng apat at kalahating taon... napakasakit isipin na sa loob lamang ng limang araw, mula ng kami ay nagkalabuan, me kasama na siyang iba.

Naisip ko, ganun ba ko talaga kadaling palitan? Limang araw??? Samantalang ako,  almost four months na, eto pa rin umaasa... pero naisip ko, dapat pa ba akong umasa? O magsimula na kong hintayin ang future partner ko?

Future partner ko, kung darating ka, aalagaan kita.. I will not make the same mistakes sa previous relationship ko... ung masyado akong naging confident sa pagmamahal na ipinangako... sa mga pangakong lahat naman ay napako... pag dumating ka, hindi ko lang basta ipaparamdam sa iyo na sobrang mahal kita, pero sasabihin ko rin sa iyo para malinaw. Kasi noon, hindi pa pala sapat na inalagaan ko sya, na ipinaglaban ko siya at ipinagmalaki ko siya... kailangan pa pala ng assurance everyday na manggagaling sa bibig ko.. na sabihin ko lagi kung gano siya kamahal.. Kasi hindi naman lahat ng tao eh katulad ko... ung marunong makuntento sa kung ano meron ako...

Hawak kamay nating haharapin ang kinabukasan... bubuo tayo ng pamilya at magsasama habang buhay... hindi ko man kayang ipangako sa iyo na magiging smooth sailing lahat ng panahon, ipapangako ko naman sa iyo na mag-aaway lang tayo pero di tayo maghihiwalay... hindi na ako ung tipo ng tao na basta na lang bibitaw... kasi naranasan ko kung gano kasakit ang bitawan at hindi pahalagahan...

Ipaglalaban kita sa lahat ng bagay hanggang kaya ko.. kasi alam ko ang sakit ng hindi ka naipaglaban... or ung sakit na nagpretend lang na ipalaban ka at gustong balikan pero sa likod ng lahat, meron na palang ibang kalandian...

Hindi ko papayagan na me bastang umagaw sa iyo.. hindi kita hihigpitan kasi ayaw kong masakal ka at mapilitang humanap ng kalayaan... pero babantayan kita.. at hindi kita bibigyan ng pagkakataon na makahanap ng iba... o sa mas madaling salita, hindi kita bibigyan ng rason na maghanap pa ng iba...

Future partner, sa ngayon, nasa pinakamababang parte ako ng buhay ko... pero pipilitin ko pa ring buuin ang sarili ko... para pagdating mo, ayos na ako... hindi ka magsisising pinili mo ako... na ako ang minahal mo...

Future partner, I will wait for you... sana dali dalian mo na rin kasi sayang na ang oras.. mag iingat ka lagi.. ingatan mo sarili mo at tandaan mo, mamahalin pa kita... :) 

Nagmamahal,

Ang iyong future na asawa....

Comments

Popular posts from this blog

And I am still brave.... for now....

The neverending heartbreak...