Dear Future Partner
Dear Future Partner Hi! Kumusta ka na? Matagal pa ba bago tayo magkita? Miss ko na kasi ung time na me kasama ako...Almost two months na mula ng iwan ako ng taong minahal ko at kasama kong nangarap sa loob ng apat at kalahating taon... napakasakit isipin na sa loob lamang ng limang araw, mula ng kami ay nagkalabuan, me kasama na siyang iba. Naisip ko, ganun ba ko talaga kadaling palitan? Limang araw??? Samantalang ako, almost four months na, eto pa rin umaasa... pero naisip ko, dapat pa ba akong umasa? O magsimula na kong hintayin ang future partner ko? Future partner ko, kung darating ka, aalagaan kita.. I will not make the same mistakes sa previous relationship ko... ung masyado akong naging confident sa pagmamahal na ipinangako... sa mga pangakong lahat naman ay napako... pag dumating ka, hindi ko lang basta ipaparamdam sa iyo na sobrang mahal kita, pero sasabihin ko rin sa iyo para malinaw. Kasi noon, hindi pa pala sapat na inalagaan ko sya, na ipinaglaban ko siya at ipi...